Memory by Coco Miranda
Noong unang panahon, ang proseso nang pag libing ng mga igorot ay isabit ang kabaong sa bundok. Dahil ang paniniwala nila ay mas mataas mas malapit sa langit. Hindi lang yan, pag ikaw ay pumanaw ikaw ay iuupo sa silya na naka pamaluktot na posisyon. Kaya't ang mga buto ay bali-bali at ang kabong ay maliit. At ito ay pag lalamayan ng tatlong araw. Pag katapos ng tatlong araw ng lamay ang bangkay ay ibabalot sa tela at pag papasa pasahan ng pamilya. Kapag na tuluan ang isang tao ng likido ng bangkay, ayon sa kanilang paniniwala, ay suswertihin sa buhay. Hindi nila inaalis ang lamang loob ng patay. (lahat kami: eeeeewwwwww!!!) Ang kabaong malaki ay mga igorot na naging kristyano. Hindi na nila binabali o pinagpapasahan kundi sinasabit na lamang para sa tradisyon. Papunta: 30 minutos pababa Pabalik: 1 oras paakyat nanginig ang mga paa ko dito at hindi ko magalaw. dito na ba ako ililibing? ron: ano picturan kita? ako: ayoko, ayoko mag papicture sa patay. ron: ayy ako din. ayoko 😣
Promo name
Special Offer
Promo desc
PHP 999
Comments (2)
@nicolette Salamat binasa mo 😆
Salamat sa kwento! 🙌